Halos kalahati ng mga Pilipino, nais magpabakuna laban sa COVID-19 – SWS survey

Naghayag ng kagustuhan ang maraming Pilipino na magpabakuna laban sa COVID-19.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 45% ang nagnanais na magpabakuna, 24% ang hindi tiyak, at 21% ang ayaw.

Mataas ito kumpara sa 32% na gustong magpabakuna noong Mayo.


Lumabas din sa survey na mataas ang bilang ng mga nakatanggap na ng first dose sa Metro Manila (21%), kasunod ang Balance Luzon (5%), Visayas (5%), at Mindanao (3%).

Mataas din sa Metro Manila ang mga nakatanggap ng second dose na nasa limang porsyento, kasunod ang Mindanao (3%), Balance Luzon (3%), at Visayas (1%).

Ang survey ay isinagawa mula sa June 23 hanggang 26 sa 1,200 respondents.

Facebook Comments