Halos Kalahati ng mga Pilipino, posibleng hindi makaboto dahil sa pandemya

38

Nasa 46-porsyento ng mga Pilipino ang posibleng hindi boboto sa 2022 elections kapag mataas pa rin ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Base ito sa Pulse Asia Survey na kinomisyon ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri nitong Hunyo.


Sabi ni Zubiri, hindi naman masisisi ang mga hindi boboto para proteksyunan ang kanilang sarili at mga mahal nila sa buhay.

Pero dahil dito ay nangangamba si Zubiri na ang mahalal na leader ng bansa mula presidente hanggang konsehal ay hindi man lang nagmula sa boto ng mayorya ng mga botanteng Pilipino.

Dahil dito ay pinapatiyak ni Zubiri sa Commission on Elections (Comelec) na magiging ligtas laban sa COVID-19 ang halalan.

Iginiit din ni Zubiri na bilisan ang pagbabakuna lalo na sa mga probinsya.



Facebook Comments