Hinikayat ng ilang senador ang mga mauunlad na bansa sa bahagi ng Eastern Europe na magdagdag ng negosyo at magpalakas pa ng ugnayang diplomatiko sa Pilipinas.
Nasa Europe ang halos kalahati ng mga senador para sa mga international conference pangunahin ang 141st Inter-Parliamentary Union Assembly.
Kabilang dito sina Senate President Tito Sotto III, Senate President Protempore Ralph Recto, Senate Majority Leader Migz Zubiri, Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senators Imee Marcos, Panfilo “Ping” Lacson, Nancy Binay, Joel Villanueva, Juan Edgardo Angara, Sherwin Gatchalian at Ronald “Bato” Dela Rosa.
Sa pagtitipon, ay nag-talumpati si Sotto tungkol sa kahalagahan ng regional cooperation at pagsunod sa international law at nag-preside pa sa isang kumite na tumalakay sa climate change.
Binigyang-diin naman ni Senator Marcos na malaki ang potensyal na magdagdag pa ng negosyo o puhunan sa Pilipinas ang mga bansang nasasakupan ng Eastern Europe.
Dagdag pa ni Marcos, nagbibigay din ito ng oportunidad para sa Pilipinas upang mag-export ng ating mga produkto sa mga bansang nabibilang sa Eastern Europe.
Bukod sa IPU assembly ay dumalo din sina Senators Cayetano at Tolentino sa kumperensya ng World Health Organization (WHO) ukol sa health impact ng alcohol at electronic cigarette.