Halos kalahati ng pamilyang Pilipino, nagsasabing sila ay mahirap – SWS Survey

Ikinokonsidera ng nasa 17% ng pamilyang Pilipino na sila ay hindi mahirap.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), lumalabas na 49% ng pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap.

Nasa 33% naman ang nagsabing sila ay nasa borderline.


Sa Metro Manila, bumaba ang bilang ng mga nagsasabing sila ay mahirap na nasa 30%, ang mga nasa borderline 31% at ang mga nagsasabing sila ay mahirap ay nasa 39%.

Aabot naman sa 45% ang bilang ng mga nagsasabing silay ay mahirap sa Luzon, 31% ang nasa borderline habang 24% ang hindi mahirap.

Nasa 56% sa Visayas ang naghayag na sila ay mahirap, 39% ang nasa borderlines, habang 5% ang nagsabing hindi sila mahirap.

Umabot naman sa 59% ang nagsabing sila ay mahirap, 35% ang nasa borderline at 6% ang hindi mahirap.

Lumabas din sa survey na 32% ng mga pamilya ang nagsabing sila ay “food poor” habang 23% naman ang nagsabing hindi, at 45% ang nasa borderline.

Ang nationwide survey ay isinagawa mula April 28 hanggang May 2, 2021 sa 1,200 respondents.

Facebook Comments