Naipamahagi na sa mahihirap na pamilya sa Metro Manila ang halos kahati ng P11.2 billion pondo para sa ayuda na inilabas ng national government.
Batay sa datos ng Department of the Interior and Local Government (DILG), P4.5 billion o 40.6% ng ayuda para sa National Capital Region (NCR) ang umabot na sa mga target ng benepisyaryo.
Nagsimula ito nitong August 16 kung saan opisyal nang sinimulan ang pamamahagi ng ayuda.
Binigyang-pagkilala naman ng DILG ang Metro Manila Mayors (MMC) dahil sa pagiging maayos at organisadong pamamahagi ng ayuda sa kanilang mga nasasakupan.
Ilan sa mga lungsod na mayroong mataas na porsyento ng naipamahaging ayuda ay ang;
• Caloocan (59.78%)
• San Juan (56.51%)
• Mandaluyong (55.22%)
• Taguig (53.41%)
• At Makati City (51.48%)
Pinasalamatan din ng DILG ang Makati, Muntinlupa, Caloocan at Parañaque dahil sa mabilis na pamamahagi ng ayuda sa pamamagitan ng electronic payout.