Halos kalahati sa bawat 10 Pinoy, naniniwalang gaganda ang kanilang buhay ngayong taon

Naniniwala ang halos lima sa bawat sampung Pilipino na bubuti ang kanilang pamumuhay ngayong 2019

Base sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS), 45% ng mga Pilipino ang tiwalang gaganda ang kanilang buhay sa loob ng 12 buwan o ‘optimist’

Nasa limang porsyento naman ang nagsabing mas magiging masahol pa ang kanilang buhay ngayong taon o ‘pessimist’.


Sa kabila nito, nakakuha pa rin ng +40 net personal optimist score o ‘excellent’ rating.

Lumabas din sa survey na 37% ng mga Pinoy ang gumanda na ang kanilang buhay habang 25% ang nagsabing mas lumala pa.

Isinagawa ang survey mula December 16 hanggang 19, 2018 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 adult respondents sa buong bansa na may margin of error na +/- 5%.

Facebook Comments