HALOS KALAHATING MILYONG LIVELIHOOD ASSISTANCE, IPINAMAHAGI

CAUAYAN CITY – Naging matagumpay ang isinagawang pamamahagi ng tulong panghanapbuhay para sa mga Adivay Tau Farmers Association (AFTA) sa Barangay Dibibi.

Tumanggap ang mga ito ng kabuuang P479,225 mula sa DOLE-Integrated Livelihood Program katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI), 86th Infantry Battalion Philippine Army, at lokal na pamahalaan ng Cabarroguis.

Ang nasabing halaga ay itutuon ng mga benepisyaryo para sa paggawa ng banana chips at harina na kanilang napili bilang negosyo.


Kabilang din sa ipinamahagi ng DOLE ay ilang kagamitan tulad ng banana slicer, pulverizing machine, packaging materials, dehydrator, refrigerator, at iba pa.

Matapos na sumailalim ng mga benepisyaryo sa training kung paano gumawa ng harina at banana chips, sunod naman ay bookkeeping na pangangasiwaan ng DTI.

Facebook Comments