Umaabot na sa mahigit ₱483 million ang tulong na naibigay ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng El Niño phenomenon.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ipinamahagi ang tulong sa mga taga-Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan na bahagi ng MIMAROPA Region.
Kabilang sa mga ayudang ipinagkaloob ay mga yero, hygiene kits, generator at gasolina.
Nagbigay rin ang pamahalaan ng financial assistance na umaabot sa mahigit ₱481 million kung saan ang nasa 29,000 magsasaka at mangingisda na apektado ang kabuhayan ang benepisyaryo.
Sa ngayon, nananatiling nasa mahigit ₱1.2 billion ang pinsala ng tagtuyot sa sektor ng agrikultura.
Pinakanapuruhan ng El Niño ang Region 6 sinundan naman ito ng MIMAROPA, CALABARZON, Region 9, Region 1 at Region 2.