
Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa tatlong indibidwal ang nasa P476,000 ng pinaghihinalaang shabu matapos ang ikinasang buy-bust operations sa Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal.
Kinilala ang mga naarestong suspek sa alyas ‘Tati’, 23-anyos; Alyas ‘Taga’, 42-anyos; at alyas ‘Yvonne’, 27-anyos.
Itinuturing na high-value individual o HVI sina alyas ‘Tati’ at alyas ‘Taga’ habang si alyas ‘Yvonne’ naman ay kinilala bilang isang drug-user.
Narekober sa tatlo ang nasa walong pirasong pakete ng umano’y shabu na may kabuuang timbang na 70 grams, P800 cash, pouch, at buy-bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at kasalukuyang nakakulong sa Rodriguez Municipal Police Station.
Facebook Comments









