Umabot na sa 493,075 quarantine violators ang binigyan ng warning, pinagmulta, ikinulong at kinasuhan dahil sa iba’t ibang paglabag sa quarantine protocols sa nakalipas na pitong buwan.
Batay ito sa datos ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield mula March 17 hanggang October 25.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration at JTF COVID Shield Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar, ang mahigpit na pagpapatupad ng quarantine protocols ang dahilan ng pagkahuli ng maraming violators na nagresulta rin sa pagbaba ng insidente ng krimen sa buong bansa ng 46% sa loob ng pitong buwan community quarantine.
Sa Luzon at Mindanao, ang pagbaba ng insidente ng walong focus crimes ay 44 na porsyento, habang sa Visayas ay 51 porsyento naman ang ibinaba.
Ang walong focus crimes ay murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping ng motorcycle at carnaping ng motor vehicle.