Halos kalahating porsyento ng mga OFW, dumaranas ng stress dahil sa kanilang pamilya ayon sa isang pag-aaral

Karamihan sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) ay nai-stress dahil sa kanilang pamilya sa Pilipinas.

 

Batay sa pag-aaral isang us-based payments provider na Uniteller – 41 percent ng mga OFW ang dumaranas ng emotional stress dahil sa pag-iisip kung natatanggap ba ng kanilang pamilya ang ipinapadala nilang pera.

 

Habang 54 percent na mga OFW ang nai-stress dahil sa pagkakalayo ng mga ito sa kanilang pamilya.


 

Ayon kay Uniteller CEO Alberto Guerra, isang dahilan ng paglago ng global mobility kaya kinakailangang mangibang-bansa ng mga Pilipino.

 

Ang average kasi aniya na sahod na ipinapadala ng mga OFW ay aabot lang sa 446 dolyar kada buwan na may katumbas na mahigit dalawampu’t dalawang libong piso at tripleng mas mataas sa sahod ng karaniwang trabahador sa Pilipinas.

Facebook Comments