Halos kalahating porsyento ng mga Pilipino, hindi pa handang magpabakuna kontra COVID-19; habang mayorya pa rin ng mga ito, nag-aalalang tamaan sila ng virus ayon sa Pulse Asia survey

Photo Courtesy: Pulse Asia Research Inc.

Halos kalahating porsyento ng mga Pilipino ang hindi pa handang magpabakuna kontra COVID-19 batay sa Pulse Asia survey.

Ayon sa datos, 47% ng mga Pilipino ang hindi hilig o handang magpabakuna kontra COVID-19 oras na maging available na ito.

Habang 32% naman ng mga Pilipino ang handang magpabakuna at 21% naman ang hindi pa makapagdesisyon kung handa silang magpabakuna o hindi.


Lumalabas na pangunahing rason kung bakit ayaw nilang magpabakuna ay dahil hindi sila sigurado kung magiging epektibo ang bakuna.

Samantala, sa survey pa ring isinagawa ng Pulse Asia, lumabas na mayorya pa rin ng mga Pilipino ang nag-aalalang tamaan sila ng COVID-19.

94% dito ang nag-aalalang tamaan sila ng sakit, 3% ang hindi sila nag-aalala at 3% pa rin ang hindi masabi kung nag-aalala sila o hindi.

Isinagawa ang survey noong ika-23 ng Nobyembre hanggang ika-2 ng Disyembre 2020 na mayroong 2,400 respondents.

Facebook Comments