May kasalanan din ang mga Pilipinong mangingisda kung bakit nabangga ang kanilang bangkang ‘F/B Gemver 1’ ng Chinese vessel sa Recto Bank noong June 9.
Ito ang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. base sa report ng Philippine Coast Guard (PCG) hinggil sa insidente.
Ayon kay Locsin – base sa ulat ng PCG ay halos lahat ng crew ng bangka ay tulog ng mga oras na iyon at tanging ang cook lamang nasa deck.
Hindi nagtalaga ng lookout ang mga Pilipinong mangingisda.
Napansin na daw ng cook ang isang barkong papalapit sa kanila pero ipinagpatuloy lamang nito ang kanyang ginawa.
Ang mga pahayag ni Locsin ay base sa interview ng PCG sa mga mangingisda.
Facebook Comments