Halos lahat ng micro rice retailers at sari-sari store owners, nakatanggap na ng ayuda sa Navotas

Umaabot sa 294 na micro rice retailers at sari-sari store owners ang nakatanggap na ng P15,000 na financial assistance sa pamahalaan.

Ito’y sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD at utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kabilang sila sa mga batch 1 at 2 kung saan nasa 156 sari-sari store owners ang tumanggap ng ayuda.


Sa abiso ng Navotas LGU, ang ginawang pagpili sa mga sari-sari store owners at pawa.g mga nakarehistro sa barangay at maliliit talaga ang puhunan.

Aabot naman sa 138 na micro rice retailers sa mga pamilihan ang nabigyan na rin ng ayuda.

Nabatid na pawang mga tumalima sa Executive Order No. 39 ni Pangulong Marcos ang mga nabigyan ng ayuda na ginagamit na nila ngayon pampuhunan sa kanilang negosyo.

Facebook Comments