Inihayag ng Department of Health (DOH) na lahat ng rehiyon sa bansa ay nasa low risk classification na sa COVID-19 maliban sa Cordillera Administrative Region at Davao Region.
Ayon kay Health Undersecretary Maria TRosario Vergeir, lahat ng rehiyon sa bansa ay nakapagtatala na lang ng hindi hihigit sa 1,000 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong linggo.
Aniya, lahat din ng rehiyon ay nagpapakita na ng negative two-week growth rates.
Nasa low risk na rin aniya ang national healthcare systems capacity sa bansa maliban na lang sa Davao Region na nasa moderate risk ang Intensive Care Utilization rate na nasa 58%.
Sinabi rin ni Vergeire na ang buong bansa ay kasalukuyang nasa low risk case classification na may negative one-week at two-week growth rate at moderate risk Average Daily Attack Rate (ADAR).
Ang low risk classification ay nangangahulugan na ang ADAR ay mas mababa sa 1.