Halos lima sa sampung manggagawang Pilipino, apektado ng matinding init ng panahon – DOLE

Muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na bigyang pansin ang kalusugan ng mga manggagawa para makaiwas sa heat stress.

Sa gitna ito ng patuloy na pagtaas ng naitatalang heat index o damang init mula pa nitong mga nakalipas na araw.

Sa Labor Advisory No. 8 ng kagawaran; nakasaad ang mga dapat gawin ng mga employer para mapanatiling maayos ang kondisyon ng mga manggagawa.


Ayon kay Secretary Bienvenido Laguesma, umaasa siya na maayos na susunod ang mga employer lalo na’t may mga manggagawa na nakabilad sa init ng araw habang nagtatrabaho.

Sinabi pa ng DOLE na 47% ng mga manggagawa sa buong Pilipinas ang apektado ng matinding init ng panahon.

Facebook Comments