Halos limang daang pulis mula sa Region 10 na isinailalim sa surprise drug test, negatibo sa druga

Negatibo sa paggamit ng illegal na druga ang halos limang daang pulis mula sa Police Regional Office o PRO 10 sa isinagawang surprise drug test ngayong linggo.

Ito ang inihayag ni PRO 10 Spokesperson Police Supt. Lemuel Gonda sa interview ng dxCC-RMN.

Ayon kay Gonda na maliban sa kapulisan sa PRO 10 Headquarters na nasa Camp Alagar, isinailalim rin sa drug test ang ilang pulis mula sa iba’t-ibang provincial at city offices.


Ipinaliwanag ni Gonda na magpapatuloy parin ang random drug testing sa mahigit sampung libong pulis mula sa Northern Mindanao.

Layon ng kapulisan na maging drug free ang buong PRO 10.

By: Annaliza Amontos-Reyes

Facebook Comments