Halos limang milyong piso, natangay ng mga miyembro ng budol-budol gang sa isang negosyante sa Pasay City

69

Manila, Philippines – Aabotsa halos limang milyong piso ang natangay ng mga miyembro ng budol-budol gangsa isang negosyante sa Pasay City.
 
Ayon sa biktimang hindina nagpakilala, inalok siya ng nagpakilalang si Michelle Valdez at Koji Suzuki namagsupply ng generator set sa itatayong casino sa lungsod.
 
Matapos aniya angmeeting, isang lalaki ang dumating at nagpapalit ng dolyar kina Valdez at Suzuki.
 
Dito na aniya siyahinikayat ng mga suspek na maging money changer kapalit ng malaking kita.
 
Pumayag naman angbiktima at muling nakipag-kita sa mga suspek sa isang hotel.
 
Aniya, inabot ng isapang kasamang lalaki ng mga suspek ang bag na naglalaman ng dolyar kapalit nglimang milyong piso.
 
Hinatid pa aniya niyaang mga suspek sa elevator hanggang sa makatulog siya.
 
 Matapos nito, nadiskubreng biktima na mahigit one thousand three hundred dollars o sixty five thousandpesos lang ang laman ng bag.
 
Kasabay nito, sinabi ngbiktima na nakahanda siyang magbigay ng pabuya ang biktima sa makakapagbigay ngimpormasyon sa mga suspek.
 
 

Facebook Comments