Mayorya ng mga Pilipino ang nangangamba na sila o ang mga miyembro ng kanilang pamilya ay maaaring tamaan ng COVID-19.
Batay sa Pulse Asia survey, lumabas na 96% ang nag-aalala na baka magkaroon sila ng virus, na halos walang pinagkaiba sa 94% sa survey noong Pebrero.
Nasa 69% naman ang nagsabing labis na nag-aalala habang 27% ang medyo nag-aalala.
1% naman ang walang pakialam kung tamaan ng COVID-19 habang 2% ang undecided o hindi makapagpasya tungkol dito.
Pinakamaraming takot magka-COVID ay sa Metro Manila at Class A,B,C na 98% at 97%.
Ang survey ay isinagawa noong Hunyo 7 hanggang Hunyo 16 sa may 2,400 adult respondent.
Facebook Comments