Halos mayorya ng mga Pilipino, naniniwalang delikado ang pagpapalabas ng kritisismo sa administrasyon ni Pangulong Duterte – SWS Survey

412

Halos mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang delikado ang pagpapalabas ng kritisismo ng mga tabloid at broadcast stations sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa nitong June hanggang September 2021, lumabas na 45% ng mga adult Filipinos ang naniniwalang delikado ito kahit katotohanan naman ang ipapakita.


29% naman ang walang desisyon at 19% ang hindi naniniwala na magiging banta ito sa seguridad ng bawa’t isa.

Lumahok sa survey ang 1,200 adult Filipinos mula sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao sa pamamagitan ng interview.

Facebook Comments