Halos mayorya ng mga Pilipino, naniniwalang delikadong i-publish at i-broadcast ang mga istoryang kritikal sa administrasyong Duterte – SWS survey

Halos mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang delikadong i-publish at i-broadcast ang mga istoryang kritikal para sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 45% ng mga Pilipino ang naniniwalang hindi ito dapat na gawin; 28% ang undecided at 25 ang hindi naniniwala.

Ang survey ay isinagawa mula June 23 hanggang 26 kung saan nasa 1,200 adults ang lumahok.


Pinakamarami sa mga ito ay nagmula sa Metro Manila na sinundan ng Visayas, Luzon at Mindanao.

Facebook Comments