Halos mayorya ng mga Pilipino, walang access sa mga COVID-19 vaccination sites – SWS survey

Halos mayorya ng mga Pilipino ang walang access sa mga COVID-19 vaccination sites sa bansa.

Batay sa datos ng Social Weather Stations (SWS), lumabas na 68% ng mga Pilipino ang mayroong ‘easy’ access sa mga COVID-19 vaccination sites habang 28% ang nagsabing hirap itong puntahan.

Tatlong tao naman ang nagsabing hindi nila ito kayang puntahan na wala namang ibinigay na iba pang dahilan.


Samantala, isang survey din ang nagsabing kalahating porsyento ng mga Pilipino ang nakikitang mabagal na ang vaccination rollout sa bansa.

Ito ay sa nakalipas ng anim na buwan nang simulan ito ng gobyerno.

Batay sa datos ng SWS, karamihan sa mga sumagot ay nagmula sa Metro Manila (57%), sinundan ng Luzon (55%), Visayas (51%), at Mindanao (33%).

Nagmula naman sa Mindanao (63%) ang nagsabing maayos ang takbo ng pagbabakuna na sinundan ng Visayas (44%).

Facebook Comments