Cauayan City, Isabela- Binigyan ng ayudang pangkabuhayan mula sa DOLE-Quirino ang 75 na small entrepreneurs at skilled workers sa probinsya ng Quirino.
Ito ay sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) sa pakikipag tulungan ng LGU Saguday, Quirino.
Ang nasabing ayuda na nagkakahalaga ng ₱1,495,800.00 ay iginawad sa mga benepisyaryo sa pangunguna ni DOLE Regional Director-Atty. Evelyn R. Ramos na ginanap sa Saguday Alert Center noong ika-26 ng Nobyembre.
Payo ni Ramos sa mga benepisyaryo, gamitin nila ng maayos at tama ang mga livelihood kits na ibinigay na tulong ng pamahalaan para iangat ang antas ng kanilang pamumuhay.
Facebook Comments