Mahigit isang kilo ng marijuana at cannabis-infused cartridges ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark.
Ayon sa BOC, nagkakahalaga ng halos P1.8 million ang parcel na naglalaman ng iligal na droga.
Idineklarang cosmetic items mula Estados Unidos ang shipment na ibabagsak sana sa Cebu City.
Naharang ang mga ito dahil sa kahina-hinalang commodity description.
Agad sinuri ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang parcel kung saan dito na nagpositibo sa iligal na droga.
Nadiskubre ang tatlong vacuum sealed pouches na naglalaman ng mga pinatuyong dahon ng marijuana at cannabis-infused cartridges.
Agad kinumpiska ang mga ito alinsunod sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act na may kaugnayan sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.









