
Nagtungo sa Independent Commission for Infrastructure sa Taguig City si Land Transportation Office (LTO) Chief Markus Lacanilao bitbit ang makakapal na folder ng mga ebidensya ng aniya’y katiwalian sa LTO.
Tinukoy ni Lacanilao ang 946 million pesos na Central Command Center ng LTO o C3 na aniya’y nagkaroon ng overpricing, walang cameras at overpaid ng 26 million pesos.
Ayon kay Lacanilao, sangkot sa katiwalian ang ilang dating matataas na opisyal ng LTO kung saan nagsimula ang proyekto noong September 2, 2020.
Tinukoy ni Lacanilao ang Sunwest Construction and Development Corp. na nasa likod ng proyekto kasama ang LDLA Marketing Trading, Data Center Design Corp., at Ebizolution Inc., and Trading Inc.
Bukod dito, may dalawang maanomalyang gusali ng LTO pa aniya silang iniimbestigahan.
Tiniyak din ni Lacanilao na sinisikap nilang magamit ang pasilidad para hindi ito masayang.









