Halos P1-M halaga ng marijuana, narekober sa QC

Quezon City – Tinatayang nasa mahigit 1 milyong piso ang halaga ng marijuana ang narekober ng mga otoridad sa isang garahe ng pampasaherong bus sa E. Rodriguez sa Quezon City.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, Cordillera Administrative Region (CAR), nakumpiska ang nasa sampung kilo ng marijuana matapos silang makatanggap ng report galing sa isang bus company na may nakita silang isang bag na hindi matukoy ang laman.

Agad na isinagawa ng CAR ang follow-up operation sa nasabing lugar.


Matapos ang nasabing operasyon ay agad na nanawagan ang PDEA sa publiko maging sa mga establisyimento na paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa mga otoridad dahil malaki ang maitutulong nito para mabilis na mahuli ang mga sangkot sa ilegal na droga.

Facebook Comments