Halos P100,000 halaga ng shabu, nakumpiska sa dalawang drug suspek sa Pasay City

46

Arestado ang dalawang lalaking kabilang sa drug watchlist ng Philippine National Police (PNP) matapos ang ikinasang Simultaneous Enhance Managing Police Operation sa Brgy. 165, Zone 18, Malibay, Pasay City kagabi.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director Brigadier General Eliseo Dela Cruz ang mga naarestong mga drug suspek na sina Michael Santos, 46-anyos, government employee at residente ng Pasay City at Cherry Faye Santos, 21-anyos, walang trabaho, residente ng Malibay, Pasay City.


Isinagawa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Pasay ang buy bust operation matapos na makipagugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nakuha sa dalawang suspek ang 31 sachets na may lamang shabu na aabot sa 14.5 na gramo at may estimated value na P98,600.

Nakuha rin ang P500 bill, timbangan, mga baril at bala.

Sa ngayon, nakakulong na ang dalawa sa custodial facility ng Pasay PNP.




Facebook Comments