HALOS P100M, INILAAN SA RIVER CONTROL PROJECT

CAUAYAN CITY- Puspusan ang konstruksyon sa river control project sa Gamu Bridge sa Brgy. Upi, Gamu, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad George Gatering, ang nasabing river control project ay may habang tatlong daang metro.

Aniya, ang proyekto ay pinondohan sa General Appropriations Act 2024 kung saan naglaan ng halos isang daang milyong piso para rito.


Dagdag pa niya, layunin ng proyekto na pigilan ang soil erosion o patuloy na pagguho ng lupa sa lugar kung saan maraming sakahan na ang naapektuhan nito.

Samantala, sinimulan ang proyekto noong buwan ng Hulyo at aasahang matatapos ito ngayong buwan ng Agosto.

Facebook Comments