Halos P11 milyong halaga ng mga tanim na Marijuana, nasamsam sa Kalinga province

Kalinga – Aabot sa P11 milyong halaga ng mga tanim na marijuana ang kinumpiska ng mga otoridad sa Kalinga.

Ayon kay NBI region 2 director Hector Geologo, may lawak na 2,000 square meters ang tanim na mga marijuana.

Aminado naman si Tinglayan, Kalinga Mayor Sacrament Gumilab na nahihirapan silang pigilan ang mga residente na magtanim ng marijuana dahil ito na ang kanilang ikinabubuhay.


Tiniyak naman ng mga residente na handa nilang itigil ang pagtatanim ng mga marijuana sa kondisyon ituloy ang ipinangakong kalsada sa kanilang lugar.

Facebook Comments