Halos P120-M halaga ng poultry at seafood items, nasabat ng BOC

Umaabot sa P120 milyong halaga ng poultry at seafood items ang nasakote ng Bureau of Customs (BOC) sa lungsod ng Navotas.

Ang nasabing mga produkto ay nasabat sa pitong warehouse o cold storage matapos ang ikinasang raid ng BOC.

Katuwang ng BOC ang Department of Agriculture, National Meat Inspection Service (NMIS), at Philippine Coast Guard (PCG) ng ikasa nila ang operasyon base na rin sa kautusan ni Commissioner Bienvenido Rubio.


Ilan sa mga nadiskubre ay ilang mga poultry product tulad frozen pork legs, chicken drumsticks, chicken feet, pork spareribs at laman ng baka habang ilan namang seafoods ay squid rings, crayfish, golden pampano at fish tofu.

Nabatid na mula pa ang mga frozen seafood sa China habang ang mga laman ng baka ay mula sa Brazil at Australia kung saan ang pork products ay sa United States at Russia.

Nadiskubre rin ng Customs na ang isang bakanteng warehouse ay sinadyang gawing cold storage facility.

Ang mga may-ari ng mga nadiskubreng produkto ay walang hawak na importation documents o proof of payment mula sa Customs authorities kaya agad itong kinumpiska.

Facebook Comments