Halos P14-B halaga ng iligal na droga, nasabat ng PDEG sa nakalipas na 2 taon

Umabot na sa halos ₱14 bilyon halaga ng iligal na droga ang nakumpsika ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) mula July 1, 2022 hanggang October 7, 2024 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa PDEG, resulta ito ng 1,674 na matagumpay na anti-drug operations kung saan 1,903 indibidwal na sangkot sa iligal na droga ang naaresto.

Kabilang sa mga nasabat ay shabu, marijuana, kush, cocaine, ketamine, at ecstasy.


Samantala, mula April 1 hanggang October 7, 2024 sa pamumuno ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, umabot ng ₱2.21 bilyon ang halaga ng mga nakumpiskang droga kabilang ang shabu at marijuana, pati na rin ang cocaine, ecstasy, kush marijuana, at ketamine.

Magtutuloy-tuloy naman ang kampanya kontra iligal na droga ng PNP upang makamit ang target na drug free Philippines.

Facebook Comments