HALOS P150K HALAGA NG SHABU, NASABAT SA 2-KATAO, ARESTADO

34

LINGAYEN, PANGASINAN –Timbog ang dalawang katao mula sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Maniboc sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Napag-alaman sa naturang operasyon ng pnp lingayen ang pagkakakilanlan ng mga akusado na sina Powell Amis, 26 anyos, at Marben Flores y Macajelos, 29 anyos, construction worker, at nakilala bilang bagong drug personality, at orihinal na residente ng west Rembo sa Makati City.


Nakuha mula sa kanila ang limang plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 21 grams at DDB value na P142,800, P29, 000 na boodle money at mga drug paraphernalias.

Dinala naman ang dalawang suspek kasama mga nakumpiska mula sa kanila sa Lingayen PNP at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Facebook Comments