Halos P16-B unutilized funds ng DSWD, iminungkahing gamitin sa mga residenteng maaapektuhan ng granular lockdown

Dapat gamitin na lamang bilang pondo para sa ayuda ng mga residenteng maapektuhan ng granular lockdown ang nasa halos P16 bilyon unutilized funds ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong taon.

Ayon kay House Deputy Minority Leader and Marikina Representative Stella Quimbo, kahit na gamitin ang pondo ng DSWD para sa mga proyekto gaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), aabot pa rin sa P15.9 billion ang hindi magagalaw sa kanilang budget.

Aniya, dapat ay nakikipag-ugnayan na ang DSWD sa Inter-agency Task Force (IATF) para gamitin na lang ito sa pamilyang maaaring maapektuhan isasailalim sa lockdown.


Maliban dito, iminungkahi rin ni Quimbo na huwag sanang limitahan ng ahensya sa pamimigay ng food packs ang ayuda.
Paliwanag nito, bukod sa pagkain ay may iba pa itong mga pangangailangan na mabibili gamit ang pera.

Nabatid na ang isang food pack ay naglalaman ng:
• 4 na de latang tuna
• 4 na corned beef
• 6 kilong bigas
• 5 pack ng kape
• 5 cereal drink sachet
• At lata ng sardinas

Ang mga ito ay pinaniniwalaang magkakasya sa loob ng 3 araw ng isang pamilyang may 5 miyembro.

Facebook Comments