Halos P180 million na halaga ng sumggled na frozen Mackerel, nasabat ng BOC

Aabot sa 21 na 40-foot container na naglalaman ng mga frozen Mackerel ang nakumpiska ng mga tauhan ng Intelligence Group ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port (MICP).

Ang nasabing kargamento ay nanggaling pa ng China na nagkakahalaga ng P178.5 milyon.

Napag-alaman na walang kaukulang dokumento ang kargamento base na rin sa imbestigasyon ni Customs Deputy Comm. Juvymax Uy .


Bukod dito, wala rin Sanitary and Phytosanitary Import Clearance mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang kargamento.

Nag-isyu na rin ng Warrant of Seizure and Detention ang BOC laban sa subject ng shipment sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Facebook Comments