Iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) ang overstocking ng nasa ₱18.5 billion na halaga ng mga gamot, na pinuna ng Commission on Audit (COA).
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III – inatasan na niya ang kanilang legal department na siyasatin ito.
Aalamin dito kung sino ang mga dapat panagutin at kung paano naaantala ang distribution.
Sinisilip na rin ang posibleng korapsyon kaya nagresulta ang sobra-sobrang gamot na nakaimbak.
Pero sinabi rin ng kalihim na masyado pang maaga para sabihing mayroong korapsyon ang nangyari.
Upang mapabilis ang medicine distribution, nag-hire na ang DOH ng karagdagang manpower.
Facebook Comments