
Paiimbestigahan na rin ng Land Transportation Office o LTO sa Independent Commissin on Infrastracture (ICI) at Ombudsman ang natuklasan nilang proyekto sa loob ng LTO Central Office na ang contractor ay ang Sunwest Inc., na pagmamay-ari ni dating Ako Bicol Representative Zaldy Co.
Ayon kay LTO Chief Markus Lacanilao, ito ay para malaman kung may iregularidad ang proyekto at kung may mga sangkot na matataas na opisyal sa naturang proyekto.
Una rito, iniimbestigahan na rin ng LTO ang “underutilized” o hindi nagagamit na mga gusali.
Kabilang na rito ang dalawang gusali na dapat sanang dormitoryo at isang Information Technology (IT) hub na nagkakahalaga ng halos tig-kalahating bilyong piso at isang Central Command Center na nagkakahalaga ng P946 milyon.
Natukoy sa isinagawang imbestigasyon na sinimulan ang mga proyekto noong 2021 at nabayaran ito noong Disyembre 2024.









