
Nag-iwan ng halos ₱2 bilyon na inisyal na halaga ng pinsala ang nagdaang mga bagyong Nando at Opong.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakapagtala ng mahigit ₱979-M na pinsala ang mga nagdaang bagyo sa imprastraktura kung saan pinaka napuruhan ang Region 1 o Ilocos region.
Nakapagtala din ng mahigit 16,000 kabahayan ang winasak ng bagyo kung saan 14,311 dito ang partially damaged at 2,600 ang totally damaged.
Samantala, nag-iwan din ng mahigit sa ₱1-B na halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa Ilocos region, Cagayan Valley, Gitnang Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Western Visayas.
Nasa 37,012 na mga magsasaka at mangingisda naman ang naapektuhan ang kabuhayan sa mga nabanggit na rehiyon.
Sa pinaka huling datos ng NDRRMC, 27 ang iniwang patay ng bagyo, 33 ang nasugatan o nasaktan habang mayroon pang 16 na indibidwal ang nawawala.









