Halos P2-M halaga ng shabu, nakumpisa ng PDEA sa GenSan

Halos nasa P2 milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 12 sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Sinawal, General Santos City.

Apat na suspek ang nahuli ng mga kapulisan ng PDEA Sarangani – GenSan Provincial Office, Station 2 ng GenSan City Police Office, at ng City Mobile Force Company – GSCPO.

Sa isinagawang operasyon, narekober ng mga awtoridad ang 300 gramo ng shabu, isang SUV, at buy-bust money.

Nagawa ring masagip ng mga awtoridad ang isang apat na taong bata na bitbit ng mga subject ng operasyon.

Nahuli sina alyas “Oli,” 29-anyos na negosyante mula sa Balabagan, Lanao Del Sur; alyas “Jake,” 33, mula Lanao del Sur; alyas “Faudsa,” 45, mula Maguindanao del Norte; at alyas “Bakal,” 42-anyos na negosyante mula sa Quiapo, Maynila.

Nahaharap sa kaso ng paglabag sa Section 5 Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nasabing suspek.

Facebook Comments