Halos P200,000 halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust operation sa Negros Oriental

Negros Oriental – Kaloboso ang isang drug suspek na nasa watchlist ng mga otoridad sa buy-bust operation sa Brgy. Bagacay, Dumaguete City, Negros Oriental.

Nakuha mula kay Farrell Catan, 33 taong gulang, ang 11 pakete ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng P190,400.

Ayon kay Insp. Allen June Germodo, team leader sa operasyon, matagal din nilang minanmanan ang target bago tuluyang nasukuol.


Paliwanag niya, gumamit sila ng poseur buyer at matapos magkaabutan ng pera sa transaksyon ay saka na nila hinuli ang target.

Samantala, sa naturang pagsakalay, nakuha rin ang 1 digital weighing scale, 1 lighter, 2 rolled tin foil, 1 pouch at 1 cellphone.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dnagerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments