Pinagtibay ng Pilipinas at Japan ang 26 na kasunduan na nagkakahalaga ng ₱288.8 billion.
Ayon kay Philippine-Japan Economic Cooperation Committee Secretary General JJ Soriano – 19 rito ay mga business deals habang pito ay cooperation agreements.
Ang 19 na kasunduan na maaaring makagawa ng mahigit 82,000 trabaho para sa mga Pilipino.
Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na agad aaksyunan ang mga problema ng katiwalian.
Payo pa ng Pangulo, isumbong sa kanya ang anumang uri ng korapsyon na posibleng kaharapin ng mga Japanese businessmen sa paglalagak ng negosyo sa Pilipinas.
Umaasa rin naman ang Pangulo na mas sisigla ang kalakalan ng dalawang bansa lalo na sa mga produktong pang-agrikultura gaya ng mangga, saging at pinya.
Target din aniya ng pamahalaan na i-upgrade ang Philippine-Japan economic partnership agreement para mas mapalawak ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa pagpapabuti ng kanilang ekonomiya.