Halos P3 taas-presyo sa diesel at kerosene, ipapatupad bukas

Kasado na ang panibagong oil price hike ng mga kumpanya ng langis bukas.

Epektibo alas-6:00 ng umaga, magpapatupad ang Pilipinas Shell at Seaoil ng P2.70 na taas-presyo sa kada litro ng diesel; P2.90 sa kerosene at P0.80 sa gasolina.

Kaparehong price adjustment din ang ipatutupad ng Cleanfuel maliban sa kerosene, epektibo naman alas-4:01 ng hapon.


Ang panibagong oil price hike ay epekto pa rin ng plano ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na bawasan ang kanilang produksyon ng langis kada araw.

Itinuturo ring dahilan ang pagsisimula ng winter season sa ibang bansa kung saan tumataas ang demand sa langis at ang patuloy na paghina ng piso kontra US dollar.

Facebook Comments