Halos P300-K na halaga ng shabu, nasabat sa 9 drug suspects sa magkakahiwalay na drug operation

Nakaditine na ngayon sa iba’t ibang detention facilty ng Quezon City Police District (QCPD) ang siyam na drug suspects na nahulihan ng ₱292,400 na halaga ng shabu.

Kabilang sa mga naaresto na sina Nygel De Guzman, Precious Dela Cruz, Dennis Aguante, Felizardo Bracero, Jessamyn Gevero, Mercedes Ibanez Pacaanas at Neosan Jimenez Tolentino.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act (R.A) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Quezon City Prosecutor’s Office.


Agad namang pinuri ni QCPD Director Police Brigadier General Nicolas Torre III ang mga pulis na naging mitsa para maaresto ang mga drug suspects.

Facebook Comments