Halos P300-M halaga ng mga gamot, naka-tengga sa warehouses ng DOH – COA

Higit 296 million na halaga ng gamot na malapit nang ma-expire ang nakatago pa rin sa mga warehouse ng Department of Health (DOH).

Ito ang lumabas sa 2018 annual audit report ng Commission on Audit (COA).

Ayon sa COA, ang mga gamot ay bahagi ng 18.5 billion pesos drugs at pharmaceuticals na binili ng DOH mula 2015 hanggang 2018.


Ang medicine overstocking ng DOH ay napansin na ng state auditors sa mga nakalipas na taon pero walang ginawang aksyon para iwasan ito.

Mula December 31, 2018 ang mga gamot na na-procure ng DOH Central Office ay nasa warehouse pa ng DOH mula pa nitong December 31, 2018.

Ang ilang bahagi ng imbentaryo ay nabili sa ilalim ng termino ni dating Secretary Paulyn Ubial habang ang ibang batch ng gamot ay ibinili sa ilalim ni kasalukuyang Secretary Francisco Duque III.

Ipinaalala ng COA sa DOH na sumunod sa direktiba na ang mga gamot na binili ay hindi dapat “less than two years” mula sa manufacturing date at hindi “less than one and a half years” mula sa delivery date.

Ang shelf life naman ng mga donated medicine ay at least one year mula sa date of acceptance base na rin sa guidelines ng World Health Organization (WHO).

Facebook Comments