Aabot na sa P282 milyon ang halaga ng pinsala na naitala sa Batanes matapos ang serye ng mga lindol.
Sa inspeksyon ng DPWH sa higit 900 bahay na naapektuhan ng lindol, nasa 185 bahay ang hindi na magagamit pa, 81 ang kailangang ayusin bago tirahan, habang halos 700 ang ligtas nang balikan.
Ayon kay Batanes Governor Marilou Cayco – magpapatayo ng temporary shelters ang pamahalaan habang isinasagawa ang rehabilitation.
Kabilang din sa mga aayusin ay mga bahay na bato na dinarayo ng mga turista.
Facebook Comments