Umaabot na sa P31.5 billion na halaga ng mga smuggled na produkto ang nakumpiska ng Bureau of Customs ngayong taon.
Ayon kay BOC Director Verne Enciso, ito na ang pinakamalaking nakumpiska ng ahensya na inaasahang madaragdagan pa bago matapos ang taon.
Pinakamarami sa mga nasabat ay mga pekeng produkto gaya ng mga sapatos, bag at damit.
Kasama rin sa nakumpiska ang P3.3 billion na halaga ng mga puslit na agricultural products.
Tuloy-tuloy naman ang pagsasagawa nila ng raid at inspeksyon sa mga bodega na pinaghihinalaang pinagtataguan ng mga smuggled na produkto.
Mula Agosto, nasa 236,571 na sako na ng smuggled na bigas ang nakumpiska ng BOC mula sa apat na warehouse sa Bulacan; 36,000 na sako ng bigas mula sa Tondo, Maynila at 20,000 sako mula sa Las Piñas at Bacoor, Cavite.
Samantala, sinisilip na rin ng BOC ang natanggap nitong impormasyon na isang “Chinese mafia” ang sangkot sa rice smuggling sa Pilipinas.