Halos P33-M na halaga ng relief assistance, naipamahagi na sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses – DSWD

Umabot na sa ₱32.78 million na halaga ng relief assistance ang naipaabot sa mga pamilyang nasalanta ng Bagyong Ulysses.

Ang relief assistance ay binubuo ng family food packs at iba pang food at non-food items.

Sa datos ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center ng DSWD, aabot sa 421,319 families o 1.7 million individuals sa 4,373 na barangay sa National Capital Region (NCR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Cordillera ang naapektuhan ng bagyo.


Nasa 85,271 families o 324,363 individuals ang pansamantalang nanunuluyan sa 2,980 evacuation centers habang 52,574 families o 231,701 persons ang nananatili sa mga kaanak o kaibigan.

Facebook Comments