Halos P36 billion pondo ng flood control, inilipat sa ilang programa ng DSWD —PBBM

Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ililipat sa iba’t ibang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasa halos P36 billion na pondo na nakalaan sa flood control projects para sa susunod na taon.

Sa gitna na rin ito ng kontrobersiya sa mga palpak at maanomalyang flood control projects sa bansa na iniimbestigahan na ngayon.

Ayon sa pangulo, ilalaan ang pondo mula sa flood control ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng 2026 National Budget sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), at Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) program.

Bukod dito, pinag-aaralan na rin aniya ang pag-amyenda sa 4Ps Act para sa pangangailangan ng mga benepisyaryo.

Sinabi ito ng Pangulong Marcos Jr. sa harap ng ilang 4Ps beneficiaries ngayong idinaraos ang National Family Congress 2025 sa Palasyo ng Malacañang.

Facebook Comments