Halos P4-M halaga ng sigarilyo, tinangkang ipasok sa pantalan sa Surigao City —PPA

Aabot sa halos apat na milyong pisong halaga ng mga sigarilyo na walang dokumento ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Lipata Port sa Surigao City.

Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), nakumpiska ang 192 na kahon ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P3.84 million sakay ng isang dump truck.

Isinagawa ang inspeksiyon sa pakikipagtulungan ng DENR, Philippine Coast Guard at PNP Maritime Group makaraang makatanggap ng impormasyon sa kahina-hinalang truck na papasok sa pantalan.

Unang idineklara ng mga sakay ng truck na construction materials pero kahon-kahon ng yosi ang nakuha na itinago sa ilalim ng trapal at mga ipa ng palay.

Agad namang inabisuhan ang Bureau of Customs para sa dokumentasyon, imbestigasyon at imbentaryo ng mga kontrabando.

Habang nasa kustodiya ng PNP Maritime ang mga nahuling indibidwal na nahaharap sa patung-patong na kaso.

Inaalam naman kung saan nagmula at kung sino ang iba pang sangkot sa tangkang pagpupuslit ng mga sigarilyo.

Facebook Comments