HALOS P400K NA HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, NASABAT SA SAN MANUEL, PANGASINAN

Timbog ang dalawang katao sa bisa ng isinagawang buy-bust operation ng awtoridad sa San Manuel, Pangasinan.
Nakilala ang mga suspek na isang 38 anyos, residente sa nasabing bayan at 25 anyos na mula sa Umingan.
Nakumpiska mula sa mga ito ang nasa 55 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P374, 000 at isang Gold Cup National Match Caliber 45 pistol.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawa at haharap sa kaukulang kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments