Halos P5-M na halaga ng shabu, nasabat ng SPG sa pinaigting na anti-illegal drug campaign sa Southern Metro Manila

Nakakulimbat ang Southern Police District (SPD) ng halos P5 million na halaga ng shabu sa pinaigting na anti-illegal drug campaign.

Sa isinagawa ng SPD operating units na 74 anti-illegal drug operations, naaresto ang 101 na mga indibidwal na sangkot sa kalakaran ng iligal na droga.

Kabilang sa mga naaresto ang 10 High-Value Individuals (HVIs) at 91 Street-Level Individuals (SLIs),

Nakumpiska rin sa mga operasyon ang malaking volume ng illegal drugs at drug-related items kabilang ang 673.23 grams ng shabu, 364.80 grams ng marijuana, 47.78 grams ng kush, 47.78 grams ng ecstasy at 17 vape devices na naglalaman ng marijuana o cannabis oil.

Ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang kontrabando ay nasa P4,743,032.

Muli namang hinimok ng SPD ang publiko na maging aktibong katuwang sa kampanya sa pamamagitan ng pag-uulat ng mga kahina-hinalang aktibidad sa kanilang lugar.

Ayon sa SPP, napakahalaga ang community cooperation para mapanatiling drug-free at ligtas ang mga komunidad.

Facebook Comments